The CALABARZON Heroes once again showcased their excellence and determination at the 66th Palarong Pambansa 2026 held in Agusan del Sur.
Team CALABARZON has written a remarkable chapter in its history. After finishing with silver in 2025, the Secondary-Baseball Boys team returned with greater determination, resilience, and purpose. Never losing sight of their goal, the team claimed the championship title with a convincing 8–2 win over Eastern Visayas in the finals. Their triumph transformed last season’s setback into a golden finish through exceptional teamwork, grit, and a championship-caliber performance.

Secondary Boys – Baseball Team
Zievher John G. Contreras, Prince Emmanuel B. Garcia, Jhustin Billioner A. Marudo, Marcus Joven B. Manaig, Aron Jesse B. Manguiat, Adam Ayman O. Saniano, Christov Leyr E. Martinez, Jahniel Andrew N. Platon, Marrion Alison Bernz C. Rañada, Rhyzen E. Villaflor, Prince Luis I. Villanueva, Jan Lawrence D. Vispo
Coach: Jessie V. Natanauan Assistant Coach: John Gabriel Contreras Trainer: Jeremiah Salazar
CALABARZON Heroes’ Testimonies: Voices Behind the Victory

Most Valuable Player, Golden Glove, Homerun King, Best Slugger, Most Stolen Bases
Heroes’ Welcome 2026


Aron Jesse B. Manguiat (right), FIDELIS Senior High School – Grade 12, Best Hitter and Most Runs Batted In
“Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maibahagi ang aming naging paglalakbay tungo sa pagkapanalo ng gintong medalya sa baseball sa Palarong Pambansa. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng talento kundi ng sipag, tiyaga, disiplina, at pagkakaisa ng aming buong team.
“Hindi naging madali ang aming daan patungo sa tagumpay. Kaunting flashback lang po. Noong 2023 sa Marikina, nagtapos kami na may bronze medal. Noong 2024 sa Cebu, umangat kami at nakamit ang silver medal. Noong 2025 sa Ilocos, muli kaming nakakuha ng silver medal. Sa loob ng mga taong iyon, ilang beses naming naranasan ang sakit ng pagkatalo sa finals. Madalas ay wala kaming talo sa mga naunang games, ngunit pagdating sa championship game, doon kami natatalo sa dikit na laban at maliit na lamang sa final score.
“Maraming beses kaming naging “muntik na.” Ngunit hindi namin hinayaang mawalan kami ng pag-asa. Sa halip, ginawa naming inspiration ang bawat pagkatalo. Bawat bronze at silver medal ay nagsilbing paalala na kaya naming umabot sa mas mataas pa kung patuloy kaming magsisikap at magpapabuti.
“Sa bawat ensayo, pawis, sakripisyo, at pagsubok, dala namin ang iisang pangarap—ang maiuwi ang gintong medalya. At sa wakas, ngayong taon, natupad din namin ang aming pinaghirapan at ipinagdasal sa loob ng tatlong taon.
“Ang gintong medalya na ito ay hindi lamang simbolo ng pagiging Champion. Simbolo rin ito ng pagtitiyaga, katatagan, at paniniwala na ang tagumpay ay dumarating sa mga taong hindi sumusuko.
“Nagpapasalamat kami unang una sa Panginoon, sa aming mga coaches, FAITH Colleges management, mga magulang, at sa lahat ng sumuporta at naniwala sa amin sa bawat laban. Ang tagumpay na ito ay para sa aming paaralan, sa aming pamilya, at sa lahat ng naging bahagi ng aming paglalakbay. Mula bronze noong 2023, silver noong 2024 at 2025, hanggang sa wakas ay naka-gold ngayong 2026.
“Muli, maraming salamat po at mabuhay ang atletang Bravehearts!”
Jahniel Andrew N. Platon
Team Captain, Bravehearts Baseball Team
Best Pitcher
FAITH Catholic School – Grade 11
Gusto ko po magpasalamat sa lahat, lalo na sa FAITH Colleges community at sa team namin at sa lahat ng sumusuporta.
“Salamat po sa pag-alaga niyo po sa amin, pagtitiwala sa amin, lahat po sa suporta, at lalo na po sa team, salamat po sa bonding nating lahat. At gusto ko rin pong pasalamatan yung mga seniors po namin for stepping up, at doon naman sa mga rookies po, thank you for stepping up, kahit bata pa po kayo ay napipilit nyo sumabay kayo sa mga matatanda pati na din po sa hugot po namin salamat po sa inyong outstanding performance at ‘di kayo nahiya saamin , thank you for that.
“At sa mga coaches po namin, thank you po sa pag-alaga sa amin ‘di nyo po kami pinabayaan, lalo na po sa mga pag-gabay niyo po sa amin, thank you po for all of that, at tinulungan niyo po kami makuha ‘tong gold medal. At sa totoo lang talaga, wala… wala akong plano, wala pong akong plano ngayong taon na ito mag MVP, ang akala ko nga po kay Aron na po ito eh, siguro po maganda lang yung naging ihip po ng hangin sakin, ewan ko lang po kung bakit ako po, kasi kilala naman po alam na ako na lampa,burara at laging napapagalitan sa team. Pero ewan ko po, baka God’s plan talaga, ayun.
“Baka po ito na rin po ang magiging motivation po namin para mag-improve, so sa susunod na Palarong Pambansa galingan pa po lalo. First gold, sana po magpatuloy po namin.Maraming salamat po.”
Prince Luis Villanueva
Most Valuable Player, Golden Glove, Homerun King, Best Slugger, Most Stolen Bases
FAITH Catholic School – Grade 11

A testament to perseverance, teamwork, and the relentless pursuit of a shared dream.
With every game they played the team also embodied the true spirit of a Braveheart!
More CALABARZON Heroes Making Their Mark

Palarong Pambansa Secondary Boys – Football Team
Adding to the Team CALABARZON Heroes’ list are our Braveheart student athletes who continue to excel on the national stage.
2025 Gold medalists Sherwin C. Austria (left) and Sidenn John Credo (right) members of the Secondary Boys Football Team returned this year to claim the silver medal, an achievement that sustains a standard of excellence in one of the nation’s most competitive sporting events.

Palarong Pambansa Secondary Girls- Softball Team
Joining the list of the outstanding student-athletes are Renzie Mae M. Mercado (left), who earned multiple recognitions Most Runs Batted In, Best Hitter, Best Slugger, Most Home Runs and Rising Star Awardee and Chloe G. Plaza (right), who showed exceptional talent and determination as members of the Secondary Girls – Softball Team, helping secure bronze in the competition.